Post Father’s Day Message!

IMG_2234

Sobrang maalaga at talaga namang very hands-on na tatay si Cj sa anak namin na si Cyler kaya naman araw-araw kong pinapa-salamat sa Diyos na binigyan nya si Cyler ng matino at maayos na Ama (big word!LOL!). Na-realize ko ang hirap palang mag straight tagalog. LOL! Anyway, o sya sige papanindigan ko nato alang-ala sa post na itech pero di na straight tagalog. HAHAHA! Sa edad na pitong taong gulang naghiwalay ang mga magulang ko kinuha kami ng tatay ko pero after 3 years nag decide kami na bumalik sa nanay ko kasi pakiramdam namin magkakapatid pinapabayaan lang kami ng tatay namin. Mahirap, masaklap, at malungkot lumaki ng walang Ama pero kinaya ko at ng mga kapatid ko. Minsan nga nagtataka ako sa mga taong may broken-family na napapariwara kasi di ko ma-gets kung bakit ginagawa nilang dahilan ang pagkakaron ng broken family. Anyway, ika nga nila life is a matter of choice,Β  nasa sayo kung gusto mong mapabuti o mapasama ang buhay mo. Sobrang pasalamat ko talaga sa Diyos na kahit ganun ngyare sa pamilya ko napalaki ako (ay ndi pala ako lumaki, tumanda lang. LOL!) ng Lola at Tita ko ng maayos. At araw-araw na tatanawin kong utang na loob sa Diyos naΒ Β  nakatagpo ako ng lalakeng magtataguyod sa pamilya ko at yun ay si…itago nalang natin sya sa pangalang, Carlos John Ricafort. Harharhar! 20140624-000327-207052.jpg

Si Cj ay hindi maituturing na perpektong ama pero para sa akin at sa anak ko sya na ang “Best Dad” in the world. Sya yung tipo ng tatay na ibibigay ang mundo para sa pamilya nya at gagawin ang lahat ng makakaya nya para maitaguyod ng maayos ang pamilya nya. Hindi man sya perpekto pero ginagawa nya ang lahat para mapunan ang mga pagkukulang nya sa asawa’t anak nya. Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na mamili ng ama para sa anak ko sya pa rin ang pipiliin ko. Truelaley yan at walang halong eklavoo! πŸ˜›

20140624-001450-890282.jpg

Takot na humawak si Cj ng baby pero nung pinganak si Cyler nawala yung takot nyang yun. Nung una palang nyang nakita yung anak namin sya na mismo ang humawak at nag-alaga nito lalong lalo na nung mga oras na nagpapagaling palang ako dahil na-CS ako. Sya din mismo ang personal caregiver ko nung nagpapagaling ako. Sya mismo ang nagpapaligo(excuse me po sa mga dalagang Pilipina dyan mejo sensored), naglilinis ng tahi ko, at nagpapakain sakin at kay Cyler ng mga panahon na yun. At sya din ang nagpupuyat sa gabi at nag-aalaga sa anak nya kahit na pagod na pagod na sya galing trabaho. Sya din ang tumiis ng lahat ng ka-dramahan ko nung mga panahong tinamaan ako ng post-partum-syndrome (totoo pala yun!). At sya rin ang nagpapaka-kubang maglaba ng mga damit namin. O diba tigasin?! πŸ˜›

20140624-001348-828713.jpg

Makulit sya (sobra!), maloko (pero at least hindi na babaero sabi nya!), malakas mang-asar( kaya ang sarap tuktukan!) at sobrang hilig sa basketball (grabe parang di ka nag-eexist sa mundo pag nanood ng basketball!) pero hinding-hindi ko pa rin sya ipagpapalit bilang asawa at ama ng anak ko. Hindi na nga ako nagtataka kung san nakuha ng anak namin ang kakulitan nya. Sobrang ini-idolo ni Cyler ang tatay nya kaya naman ultimo sa pagtulog parehas na parehas din sila posisyon. Like father like son ika nga nila.

20140624-000917-557891.jpg

Salamat hon sa pagiging mabuting ama at magandang example sa ating unico-hijo na si Cyler. Hinding hindi ako magsasawang sabihin sau ng paulit-ulit na napaka-buti mong ama kay Cyler (eto nga kakasabi ko lang uli!). Alam ko lahat ng sakripisyong ginagawa mo ay para sa kinabukasan ng pamilya natin lalong lalo na sa anak natin kaya salamat ng marami. Alam ko hindi kayang tumbasan ng salitang salamat ang nararamdaman ko. Pero salamat hon sa walang sawa mong pagmamahal at sa pagintindi sa anak natin (at lalong lalo na sa akin!). Kung meron man akong bagay na mahihiling pa yun eh walang iba kundi ang….kumain kana ng gulay! Please lang! Kahit one day lang please! πŸ™‚

20140624-000503-303455.jpg

Alam kong super-late na pero Belated Happy Daddy’s Day Hon at sa lahat ng mga tumatayong ama sa buong mundo! Mabuhay kayo! πŸ™‚

20140624-000330-210677.jpg

 

 

PS: Pasensya na sa napaka babang resolusyon ng mga litrato sapagkat ito’y kuha lamang gamit ang aking munting telepono. Bow. :))

Advertisements

2 thoughts on “Post Father’s Day Message!

Please share your thoughts, I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s