KMS Preggy Diary (Part 1)

Yellow! How are you guys?! Did you miss me?! Raise your kili-kili if you miss me! Ako kasi super namiss ko kayo! Sorry if you feel like I neglected this blog already. Well, I really decided to take a break from blogging because I am having a hard time with my 2nd pregnancy. Ibang-iba talaga with my first pregnancy, before halos wala akong naranasan na morning sickness but now whole-day sickness mga ateng! Grabe! As a matter of fact naubos ko na ung sick leave ko for the whole year because of my condition. Major hilo and sukaness (pasintabi sa mga lumalafang!) talaga ako everyday. Meron pa din until now pero mejo mild na unlike nung 1st and 2nd month ko. I am now on my 12th week so hopefully mag subside na yung morning sickness ko. In as much as possible I also wanted to spend much of my time with Cyler kasi feeling ko pag dumating na si baby tummy mahahati na ung time ko for him so kahit minsan gusto kong chumika sa inio mas pinipili ko nalang makipag-laro at alagaan si Cyler. Kaya ayun hindi talaga ako makapag-blog. I also decided not to accept any blog event commitment kasi di ko pa talaga keri rumampa baka umeksena lang ako sa event pag bigla akong nahilo. Kaya ayun so hopefully maintindihan ninyo kung bakit di nako makapag blog masyado.

Don’t worry pag bumalik na uli ung energy ko bo-bongga ulit ang lola ninyo sa blogging world, chi-chikahan ko kau ng chi-chikahan. For now I just want to concentrate on my pregnancy mejo delicate pa kasi tong stage so super ingat ang lola ninyo. Hay alam ninyo major pimple breakout din ako ngaun! NKKKLK! First time kong magka pimples ng marami! Gusto ko minsan itago ung muka ko sa loob ng bag ko because of this, I just need to accept the fact na it’s part of my hormonal imbalance. Pero grabeng hormones yan ah! I never experience this also with my first pregnancy. Totoo nga lahat ng pregnancy iba-iba, super lucky ko lang before na hindi ko na-experience lahat ng ‘to. Pero okay na rin na na-experience ko sya ngayon atleast makaka-relate nako sa mga ibang nagju-juntis na nakakaranas ng morning sickness. Hindi pala talaga biro. Promise. Pahirap sa life pero at the end super worth it naman lalo na pag lumabas na ang baby.

Cyler wants a baby brother so hopefully boy itech pero at the back of my mind gusto ko din ng baby girl kaso parang di ko alam pano aalagaan. Hahaha! Parang ang delicate(word of the day!) kasi pag girl tsaka naiisip ko agad pag nag dalaga na sya, my gulay ndi ko alam pano tatanggapin ang mga manliligaw nya! Shocks! WAHAHAHA! Ang OA diba? Pero totoo yan kaya mas gusto ko pa din ng baby boy. Though ganun parang ang hirap i-let go pag lumaki na sila. Hay! Ano ba yan ang OA ko nanaman mag-isip.

O sya guys! Next time uli ang chika! Back to work na akech, yes nasa office ako ngayon holiday na holiday. Ang saya diba?! Wala eh mandatory samin dahil deadline ng project namin this week. Anyway, I hope y’all are having fun with your family now! Enjoy the holiday, paki-enjoy nalang for me. LOL! Bitterness lang. Hahaha! πŸ™‚

 

Advertisements

4 thoughts on “KMS Preggy Diary (Part 1)

  1. Nice to hear from you again KMS! Ü I’ve been checking your blog from time to time if you have new blog entry. But its ok if there’s none.. Take care on your 2nd pregnancy. Congrats! Ü

Please share your thoughts, I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s